Tinatayang hindi bababa sa 5,000 trabaho sa sales sector ang maaaring aplayan sa PhilJobNET, ang internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Base sa ulat ng Bureau of Local Employment (BLE), nangungunang bakanteng posisyon ang para sa promo salesperson, na may 3,910 puwesto, na sinusundan ng sales clerk na may 342, salesman na may 329, retail trade salesman na may 214, at sales associate professional na may 164.

Nasa 3,265 naman ang bakanteng posisyon para sa mga call center agents.

Bukas din ang mga trabaho para sa mga domestic helper, 842; staff nurse, 590; cashier, 485; construction labourer, 467; customer service assistant, 457; at service crew, 434.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang may bakante rin para sa public health nurse, 297; cook, 237; bagger, 220; financial/accounts specialist, 199; katulong, 198; delivery driver, 189; warehouse helper, 175; at administrative assistant, 173.

-Leslie Ann G. Aquino