JAKARTA – Hindi nakaungos ang judoka at mixed martial arts champion ng Team Philippines sa Kurash sa 18th Asian Games nitong Martes.

SUMABAK na din ang Pinoy judokas na si Nagano gayundin ang sailor na si Gaylord Coveta at boxer Carlo Paalam (kanan)  (PSC PHOTO)

SUMABAK na din ang Pinoy judokas na si Nagano gayundin ang sailor na si Gaylord Coveta at boxer Carlo Paalam (kanan)
(PSC PHOTO)

Natalo si Al Rolan Llamas, anak ni national coach Rolando Llamas, kay Maruf Gaybulloeve, 10-0, sa round of 16 via halal – isang teknik sa naturang sports.

Kinapos din si Helen Dawa kontra Jadav Malapbraha Yallapp ng india, 3-0, sa women’s -52 kgs. ng judo, gayunsin si Grace Loberanes laban kay Indonesian Susanti RTK, 10-0.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sisimulan naman nina Shugen Nakano at SEA Games gold medalists Kiyomi Watanabe at Mariya Takahasi ang kampanya sa judo competition sa women’s -63 kgs at -70 kgs, ayon sa pagkakasunod, habang si ilipino-Japanese Megumi Kurayoshimwill ay sasabak sa -53 kgs class.