JAKARTA – Kinapos sina Dines Dumaan at Jefferson Rhay Loon sa kami-kanilang kampanya ay nagtapos sa bronze medals sa pencak silat competition ng 18th Asian Games sa Pandepokan Pencak Silat.

Nabigo si Dumaan, reigning Asian and Southeast Asian champion, kay Muhammad Faizul M Nasir of Malaysia, 5-0, sa men’s Class B 50kg to 55kg semifinal, habang natalo si Loon kay Nguyen Ngoc Toan ng Vietnam, 5-0, sa men’s Class D 60kg to 65kg division.

Nasiguro nina Dumaan at Loon ang bronze nitong Sabado nang magwagi sa kani-kanilang karibal sa quarterfinals.

Samantala, target ni Cherry May Regalado na makapasok sa gold medal rouns sa pencak silat’s form event Lunes ng gabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!