DALAWA sa mga ipinagmamalaking artist ng O/C Records ay ang bandang Bita & the Botflies at ang music storyteller na si Rice Lucido.
Band of misfits ang bansag sa Bita & the Botflies. Binubuo ito ng mag-amang Sofy at Rebel Aldeguer, Kevin Nivea (guitarist), Rheyn Concepcion (bassist), at Mark Lincello (drummer). May psychedelic twist ang mga awitin nila na tumatalakay sa pertinent issues sa ating bansa sa ngayon.
Sisikat Ka Iha at Tagu-Taguan ang spellbinding na alay ng banda, at inihahanda na rin ang pagre-release ng music video nilang Chop Chop Blues.
Folk music naman ang ipino-promote ni Rice. Ang kanyang musika ay poetic at inspirational, tulad ng madarama sa single na A Letter For Her.
Ang O/C Records ay joint venture nina Kean Cipriano as label head at Vic del Rosario ng Viva Group of Companies. Talents din ng recording label sina Kean, Unique, at Earl Generao.
-REMY UMEREZ