Bilang suporta sa kampanya kontra droga, mahigit 300 magsasaka at manggagawa sa city business hub ng Palayan City sa Nueva Ecihja ang sumailalim sa random drug testing ng pamahalaang lungsod nitong Biyernes.

Ayon kay City Mayor Adrianne Mae Cuevas, sinimulan ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa mga komunidad, barangay, eskuwelahan, upang kaagad matulungan ang mga magpopositibo bago pa tuluyang malulong sa ipinagbabawal na gamot.

Naniniwala rin ang alkalde na may ikalawang pagkakataon para makapagbagong buhay ang lahat ng mga drug personalities sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

-Light A. Nolasco

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list