Nalason umano sa pagkain ang 13 katao, kabilang ang apat na menor de edad, na dumalo sa national conference ng isang kooperatiba sa isang five-star hotel sa Pasay City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa panayam kay Southern Police District (SPD) spokesperson, Supt. Jenny Tecson, nangyari ang insidente sa isang hotel sa Roxas Boulevard, Pasay City, dakong 1:30 ng hapon.

Nai-report lamang sa pulisya ang insidente matapos ang limang oras, ayon sa security officer ng San Juan De Dios Hospital kung saan isinugod ang mga biktima.

Naiulat na pagkatapos umanong kumain ng tanghalian ang mga kalahok mula sa iba’t ibang probinsiya ay biglang nanakit ang tiyan ng mga ito, nagsuka, at paulit-ulit na dumumi kaya kaagad na dinala sa naturang pagamutan.

National

Paglilipat ng sako-sakong NFA rice sa Visayas, ipinag-utos na ng DA

-Bella Gamotea