TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem ang isang guro sa Tacurong City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Joefil Siason, Tacurong City police chief, agad na binawian ng buhay si Annaliza Capinpin, 33, guro sa Salabaca National High School sa Esperanza, Sultan Kudarat, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Aniya, papasok na sa trabaho si Capinpin at habang naghihintay ng masasakyan sa national highway sa Barangay EJC Montilla, ay biglang huminto sa harap nito ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki.

Dahil sa pagkabigla, hindi na nakatakbo pa ang biktima at pinagbabaril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaslang.

-Joseph Jubelag