Sa rehas ang bagsak ng isang Syrian matapos umanong makuhanan ng ilegal na droga, gayundin ang isang Amerikano sa pagtatangka umanong suhulan ang mga pulis sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Nakakulong sa Makati City Police sina Abdullah M. Alhelo, 26, Syrian; at Mohamed Seaud, 36, Amerikano.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), unang inaresto si Alhelo matapos makumpiskahan ng isang pakete ng umano’y marijuana sa loob ng isang hotel sa Don Pedro Street, Barangay Poblacion, sa Makati City, dakong 1:20 ng madaling araw.

Iniimbestigahan si Alhelo ng mga pulis nang sumulpot si Seaud at tinangkang suhulan ang awtoridad kapalit ng paglaya ng una.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Sa puntong ito, agad na inaresto si Seaud at ikinulong kasama ni Alhelo.

Nahaharap ang mga dayuhan sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at bribery.

-Bella Gamotea