KAARAWAN ng pinakamaimpluwensiyang movie producer ng bansa na si Mother Lily Yu Monteverde nitong Linggo, Agosto 19. At dahil 80 years old na siya, may malaking handaang ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria kinagabihan, na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa larangan ng showbiz at pulitika.

Kris

Kabilang sa mga espesyal na bisita ni Mother Lily si dating Pangulong Noynoy Aquino kasama ang kanyang ate na si Ballsy Cruz, at sina Joshua at Bimby, mga anak ng kapatid na si Kris Aquino.

Matatandaang si Mother Lily ang unang nagbigay ng break sa showbiz career ni Kris, bagay na hanggang ngayon ay tinatanaw na utang na loob ng pamilya Aquino.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Nag-post si Kris tungkol kay Mother Lily: “She OPENED the first door for me to act on TV, and the first door for me to star in a movie. Only respect & admiration for a genuinely loving & sincere woman of courage, integrity, and loyalty. Happy 80th birthday to @motherlilym!”

At dahil hindi nakarating si Kris sa kaarawan ni Mother Lily dahil naka-bed rest pa rin siya, pinasama na lang niya ang dalawang anak para dumalo sa party ng Regal matriarch.

“My sons, together w/ my Ate (their favorite Tita Ballsy) & their beloved Tito Noy represented our family to personally greet Mother Lily tonight during her 80th birthday celebration.

“I’m obeying my doctor & taking my bed rest because of my allergies & our belated discovery that like Bimb, I’m also asthmatic. Sobrang laki ng tinatanaw naming utang na loob kay Mother Lily and I was so happy seeing her looking so radiant & beautiful. Happy birthday @motherlilym.

“We love you very much (bashers & trolls for sure may masasabi na naman kayo BUT at this point super care bears na talaga ko because seeing my 2 sons growing up to be so loving, responsible & respectful fills my heart w/ so much gratitude.) (Song credit Wind Beneath my Wings by Gail Blanco from my Universal Records album Love and Inspiration).”

Hindi namin mabilang kung ilang kulay pula, pink at dilaw na bulaklak ang regalo ng magkapatid na Joshua at Bimby kay Mother Lily, bukod pa sa mga balloons na ibat’ ibang hugis kaparehong kulay din ng mga bulaklak.

-Reggee Bonoan