Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo ang nasabing price adjustment dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes, Agosto 21, nang nagtaas ito ng 30 sentimos sa kada litro ng gasolina kasabay ng 20 sentimos na bawas-presyo naman sa kerosene, habang hindi nagbago ang presyo ng diesel.

Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Agosto 14 nang nagdagdag ang mga kumpanya ng langis ng 25 sentimos sa diesel, at 15 sentimos naman sa gasolina.

Eleksyon

Rowena Guanzon, suportado si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila

-Bella Gamotea