Nakatakdang matamasa ng mga Pilipinong manggagawa ang karagdagang proteksiyon laban sa mga panganib sa lugar ng trabaho, dahil sa inaasahang paglagda ngayong linggo ni Pangulong Duterte sa Occupational Safety Health Bill (OSHB) upang maging ganap na batas.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Go, maaaring pirmahan ito ni Duterte ngayong linggo.

“Itong Occupational Safety Health Bill ay lalagdaan ng ating Pangulo soon, any time siguro this week,” aniya.

Kamakailan lang, sinabi ni House appropriations committee chairman Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles na ang OSHB ay kapwa “a tribute and recognition” sa mga manggagawang Pinoy.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Layunin ng panukala na pagkalooban ng proteksiyon ang mga Pilipinong manggagawa laban sa panganib sa kanilang trabaho.

Sa ilalim ng bill, may pananagutan ang mga employer gayundin ang project owner, contractor, subcontractor, at kahit sino na nagkokontrol o nangangasiwa sa trabaho sa oras na may mamatay o masugatang empleyado.

“Para i-make sure ng employer na safe po ang lugar ng pinagta-trabahuan, at magiging liable po ang employer kung may mangyayari po,” pahayag ni Go.

-Argyll Cyrus B. Geducos