NAUWI na lang sa aregluhan ang nangyaring banggaan sa pagitan ni Daniel Matsunaga at ng isang motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kahapon ng umaga.

DANIEL MATSUNAGA

Kinilala ni Supt. Wilson Delos Santos, hepe ng Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU), na nasangkot sa aksidente ang aktor na si Daniel, 39, at taga-Barangay Old Balara, Quezon City. Hindi nasugatan sa aksidente ang aktor.

Nasugatan si Jeffrey Castillo, 32, driver ng motorsiklong walang plaka, at nakatira sa Montalban, Rizal.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Lumitaw sa imbestigasyon ng Traffic Sector 5 na dakong 6:00 ng umaga nang makasalpukan ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Daniel ang motorsiklo ni Jeffrey sa Commonwealth Ave., sa may Don Antonio Drive sa Bgy. Holy Spirit.

Kaagad namang nagtungo sa nasabing traffic sector si Daniel at ang driver ng motorsiklo, at nagkaaregluhan na lang sa kapwa nila responsibilidad sa kaso, sa tanggapan ni Chief Insp. Roldante Sarmiento.

-JUN FABON