TITINGNAN mong bulilit pero si Barbie Forteza ang nagpapahirap sa mga katapat na television drama series ng GMA Network.

Barbie copy

Malawak ang mass base at loyal fans ni Barbie. Karamihan sa serye niya ang binibigyan ng extension ng Siyete para pagbigyan ang request ng followers at advertisers na huwag munang tapusin.

Ang umeereng Inday Will Always Love You na pinagbibidahan niya, extended na naman. Nag-announce ang GMA-7 na second season na sila. Hindi na rin k a t a k a - t a k a kung hindi lang sa second s e a s o n i t o magtatapos. Bipolar ang c h a r a c t e r ni Barbie sa I n d a y Wi l l Always Love You bilang si Happylou, na ini-enjoy niya nang husto.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“ P a a n o ba naman, kahit hirap na hirap na siya sa buhay niya, habang nagpapakain ng baboy, naglilinis, basta kahit na anong sakit pa ng pinagdadaanan niya, aba, pakanta-kanta lang!” aliw na kuwento ni Barbie nang makaharap namin pagkatapos ng announcement para sa second season nila.

“Very light ang serye namin, positive vibes bago matulog a n g mg a t ao, ” dugtong pa niya. Ito mismo ang dahilan kung bakit maraming sumusubaybay sa bawa t s e rye ni Barbie, nakatuklas ng angkop na formula para sa kanya ang creative people. Dapat hindi na niya binibigyan pa ng problema ang audience. Kung nasasadlak man sa kahirapan at matitinding s i t w a s y o n ang karakt e r n i y a , d a p a t maipakitang hindi siya tinatalo ng mga problema.

“Umaayon sa akin ang mundo,” sabi pa ng petite beauty.

Hindi lang si Happylou ang tinutukoy niya, pati na rin ang personal niyang buhay.

Sa karakter man o sa tunay na buhay, ganito ang attitude ni Barbie. At ramdam siyempre ng ibang tao ang gaan.

May deep insight siya sa bipolar na character niya, na puwede kang maka-cope sa baliw na takbo ng buhay kung magbabaliw-baliwan ka na rin.

Panay ang hagikhik niya nang magkomento ako na hindi siya hirap gumanap bilang bipolar dahil nakaka-relate siya sa character niya.

Isa sa mga bankable na artista ng GMA-7 si Barbie Forteza pero hindi siya umaastang sikat.

Hindi siya kagaya ng iba na porke tinitilian ng maraming tao akala mo kung sino na.

Sa showbiz, kagaya niya ang nagkakaroon ng mahabang career. Saanmang industriya o larangan, kapag likas kang mabuti at mabait na tao, umaayon sa iyo ang mundo.

-DINDO M. BALARES