Determinado ang Kongreso na ipasa ang 2019 national budget kontra sa re-enacted budget.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, determinado ang mga kongresista na hadlangan ang re-enacted budget dahil makaaapekto ito sa dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno, gastusin sa eleksiyon sa susunod na taon, hosting ng Southeast Asian Games at college scholarship sa mga pribadong paaralan, kasabay ng pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Lumutang ang posibilidad sa re-enacted budget para sa 2019 dahil hindi magkasundo ang mga mambabatas at mga opisyal ng Ehekutibo sa panukala ng huli na gawing “cash-based” ang P3.757-trilyon budget para sa 2019.