PINARANGALAN ng Senado ang Tanauan Little League matapos na maging kampeon sa nakalipas na 2018 Senior League Softball World Series.
Sa kanyang Senate Resolution No. 842, sinabii ni Senator Joel Villanueva, chair of the Senate Committee on Youth, na nagbigay ng malaking karangalan ang koponan sa ating bansa.
Inaprubahan ng lahat ng Senador ang resolusyon ni Villanueva kung saan binigyang pansin din nito ang ginawa ng pitcher na si Royevel Palma, na nag strike out ng 15 batters ng Southwest’s Texas District 9, sa Bruce Layton Field, Lower Sussex, Delaware.
“Let me say that Tanauan Little League’s achievement is really significant because it is the very first title bagged by the country for 44 years of joining the league. It is also the first ever championship by a team in the tournament from the Asia-Pacific region,” ani Villanueva.
-Leonel M Abasola