Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs Meralco

7:00 n.h. -- NLEX vs TNT Katropa

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

SIYAM na araw makalipas ang second conference, magsisimula ngayong araw ang 43rd PBA Season ending Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo

Unang sasabak sa opener ang back-to-back runner-up Meralco na pamumunuan ng 2-time Best Import winner na si Allen Durham kontra Columbian Dyip ganap na 4:30 ng hapon.

Ipaparada ng Dyip ang isa sa tatlong bago sa batch ngayon ng import na si Akeem Wright.

Susundan naman ito ng tapatan ng sister squads NLEX at TNT KaTropa ganap na 7:00 ng gabi.

Ang 33-anyos na si Wright, 33, ay nakapaglaro sa NBA D-League at sa mga liga sa Canada, New Zealand, Spain, Ukraine, Finland, at Lithuania.

Inaasahang pangungunahan ni Wright ang koponan upang makabalik ng playoff na huli nitong nagawa noong 2016 Governors’ Cup.

Sa huling laban, tapatan naman ng mga balik imports na sina Olu Ashaolu ng Road Warriors at Mike Glover ng Katropa ang aabangan.

Habang wala ang head coach na si Yeng Guiao na syang gagabay sa Philippine men’s basketball team sa Asian Games, pansamantalang uupo bilang tactician ng NLEX si lead deputy Adonis Tierra.

Samantala, ang reigning champion Barangay Ginebra, kampeon din sa nakaraang Commissioner’s Cup, at ang San Miguel Beer ay magkakaroon ng

dalawang linggong pahinga bago sumabak sa aksiyon.

Wala pa ring laro sa unang limang linggo ng third conference ang Rain or Shine na ang core players at si coach Caloy Garcia ay bahagi ng National Team sa Asian Games.

-Marivic Awitan