ISA si Cherie Pie Picache sa gustung-gusto naming naiinterbyu dahil malaman at maraming pang-title ang mga sagot niya, bukod pa sa may pagka-naughty, kaya naman sa nakaraang panayam namin sa kanya sa Threelling Finale ng The Blood Sisters nitong Lunes ay ang mesa namin ang pinakamaingay dahil sa kanya.

Erich at Cherry Pie

Tinanong kasi namin kung may love life siya ngayon at mabilis niya kaming sinagot.

“Wala nga, hanapan n’yo nga ako,” natatawang sabi.

Tsika at Intriga

Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na

Matagal na raw walang love life si Ms Pie, dahil abala siya sa kaliwa’t kanang tapings ng The Blood Sisters at pag-aaruga sa nag-iisa niyang anak na si Antonio ‘Nio’ Tria, na world champion sa tennis.

Kung dati raw ay nasasamahan niya ang anak sa mga out of the country competitions nito ay hindi na ngayon dahil nga sa trabaho.

Kaya maski raw gusto niyang magka-love life ay malabo dahil sa kawalan ng oras. Pero hindi naman niya itinanggi na nasubukan din niyang makipag-date, hindi nga lang nagtagumpay.

Binibiro ng lahat si Cherie Pie na kaya baka wala siyang mahanap ay dahil sila pa rin ng Papa ng anak niya ang magkakatuluyan.

Umiling ang aktres.

“Magkaibigan na lang kami nun at saka okay kami. Lagi siyang present sa anak namin. Very supportive siya.”

Anyway, ikinuwento ni Ms Pie kung gaano ka-sweet sa co-actors niya ang bida ng serye na si Erich Gonzales. Hindi raw ito alam ng lahat dahil nga tahimik lang si Erich.

“Si Erich, if you look at her na ganyan, napaka-sweet ng batang ‘yan. She really appreciates you, papadala ng message. Hindi nga siya ‘yung matsika, ganyan kasi nga more on work siya, kasi nga tatlo (characters) niya.

“Mahirap ‘yung ginagawa niya, like ‘yung sinasabi niyang,’ halika na po, halika na po’, siyempre pupunta siya ro’n, tapos may ibang eksena na nandiyan naman siya.

“Mahirap kasi kahit kami na isa lang na role ang ginagampanan, ‘di ba, after a scene lalo na kapag mabigat, you want to go back and to zero in. Magle-level ka ulit. Tahimik, how much more siya (Erich) tatlo?

“Nakita n’yo naman ‘yung pagpapalit niya, like sa make-up, si Erika walang make-up, si Carrie sosyal, ‘yung Agatha, todo make-up. Hindi lang wig. Hindi tinitipid ang outcome ng product. Excited ‘yung tatlong Agatha sa ending, abangan ninyo,” masayang kuwento ni Cherie Pie.

Tinanong namin kung sino sa tatlong karakter ni Erich ang gusto ng beteranang aktres.

“Kung bilang Adele, pakiramdam ko, gusto ko siyempre ang binabantayan ko si Agatha, kasi ‘di ba siya ‘yung gusto mong iligtas na hindi mapahamak, dapat mapabuti. Pero ang lovable talaga, ‘di ba si Erika, baka kasi maraming pinagdaanan.

“Bilang Pie, parang type ko si Agatha at saka Erika, ha, ha, ha. Challenging kasi si Agatha. Nai-imagine mo kung mommy ka, baka naku… (nagmuwestrang mananakal). Kung ganyan siguro ang anak ko, ikukulong ko siya, ha, ha, ha. Ikukulong at ino-novena ko siya araw-araw ha ha ha.”May kakilala na ba si Ms Pie na may anak na tulad ni Agatha.

“’Yung ganun kasuwail? Parang wala pa naman akong kakilalang ganun. Pero kung may mga ganun, siguro itatama mo sila sa tamang landas at pupunuin mo ng pagmamahal.”

Anyway, sa pagtatapos ngayong Biyernes ng The Blood Sisters ay sinigurado sa amin ni Erich na walang mamamatay sa tatlong karakter niya. Hindi lang niya nasiguro kung anong mangyayari sa mga mahal niya sa buhay.

-Reggee Bonoan