NAKALABAS na sa Caloocan City Police Station last August 9 si CJ Ramos, ang dating Kapamilya child actor na naaresto sa buy-bust operation sa Tandang Sora, Quezon City, last July 31.

Coco at CJ

Sa kanyang pansamantalang paglaya, isang magandang balita ang salubong sa kanya ng Kapamilya at Dreamscape, nang alukin siyang magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano.

Sa post niya sa kanyang bagong Instagram account nitong August 15, ibinahagi ni CJ ang larawan niya kasama ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sabi niya sa caption: “Boss #cocomartin #cjramos #angprobinsyano #blessings #secondchance #thankful #salamatbosscoco @mr.cocomartin.”

Consistent sa pagiging top-rating ang said primetime series ng ABS-CBN, na halos tatlong taon nang umeere at nagiging comeback vehicle ng mga artistang matagal na nawala sa sirkulasyon.

Ipinagpapalagay ng madlang pipol na ang blessings na tinatanggap ni Coco at ng kanyang programa ay galing sa Diyos dahil sa pagtulong ng serye sa mga artistang nangangailangan ng trabaho para makapagsimula ulit sa buhay.

Hindi na mabilang ang mga artistang nagbalik-telebisyon sa pamamagitan ng Ang Probinsiyano, at ang latest nga ay sina Whitney Tyson at CJ.

-ADOR V. SALUTA