Naghain ng panukala ang mga mambabatas para makatanggap ng 14th month pay ang lahat ng empleyado ng gobyerno at pribadong sektor, anuman ang status sa trabaho.

Inihain nina Kabayan Partylist Reps. Ron Salo at Ciriaco Calalang ang House Bill 8095 upang mapagaan ang problemang pampinansiyal ng mga pampribado at pampublikong manggagawa.

“Despite the existence of the 13th month pay, many Filipino families still struggle to sufficiently provide for their families because of meager families, among others. With the continuously rising cost of living in the Philippines, it is incumbent upon the State to address the plight of its workers in both the government and private sectors,” saad sa panukala.

Sa ilalim ng House Bill 8095, ang lahat ng empleyado sa pamahalaan at pribadong sektor ay kinakailangang bigyan ng kanilang employers ng 14th month pay, anuman ang status sa trabaho. Nakasaad na ang lahat ng empleyado sa pribadong sektor na may 13th month pay ay dapat ding magkaroon ng 14th month pay, na katumbas ng isang buwang total basic monthly salary ng empleyado.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

“The 13th month pay shall be paid to the employees on or before May 31 of each year in anticipation of the school enrolment of the employees’ dependents. The 14th month pay shall be given to the employees on or before November 30 of each year in time for the traditional Christmas celebrations,” giit ng mga may akda ng panukala.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang naturang panukala.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat pag-aralan ng kagawaran ang panukala, na binabanggit ang pangangailangang mapanatili ang “beneficial social partnership” sa pagitan ng mga manggagawa at mga employer.

-Charissa M. Luci-Atienza at Mina Navarro