Mahigpit na umanong nakikipag-ugnayan ang pamahalaan ng US kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at sa grupo nito para sa pagsasauli ng Balangiga Bells sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim, sa isang panayam matapos ang turn-over ceremony ng Special Airborne Mission Installation and Response (SABIR) system sa 250th Presidential Airlift Wing Fixed Hangar sa loob ng Villamor Airbase, Pasay City, kamakalawa.

Sinabi ni Kim na mayroon nang hakbang sa bahagi ng Amerika para ibalik ang mga kampana lalo’t isa itong “very important issue” sa dalawang bansa.

“I think we have significant () as you have seen (US Defense) Secretary (James) Mattis...there has been some movements for the return of the bells. So there is no specific timing but we are hopeful we will continue to see progress to support the issue,” ani Kim.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kasabay nito, iginiit ni Kim na nais niyang iparating ang mensahe na malalim na pinahahalagahan ng Amerika ang mga Pilipino.

“This issue has been ongoing for many decades. We know that (the) Filipino leadership want the return of the bells so I think it is positive we can work hard to reach the resolution,” dagdag ni Kim.

-Francis T. Wakefield