ISANG malaking kabawasan sa Philippine sports, lalo na sa athletics si Mayor Al Fernandez. Isang matibay na haligi ang nawala kasabay niya at matagal pa bago makahanap ng katulad niya.

Fernandez

Fernandez

Ito ang madamdaming mensahe ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) chairman emeritus Go Teng Kok sa kanyang pagala-ala sa namayapang dating mayor ng Dagupan City.

“Hindi matutumbasan ang mga naitulong at naiambag ni Mayor Al sa PATAFA. Bilang chairman ng athletics kapalit ng yumaong Gov. Jose Sering, si Mayor Al na ang tumayong ama ng PATAFA. Pinagpatuloy niya ang buong pusong pagmamahal ni Gov. Sering sa sports at sa mga Pilipinong atleta.”

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Binalikan pa ni Go ang ginawa ni Mayor Al nuong 2005 Southeast Asian Games dito sa bansa, kung saan isang gabi ay inimbita niya ang lahat ng opisyal at atleta ng mga kasaling bansa sa isang hapunan.

“Mula sa kanyang sariling bulsa, nag host siya ng isang dinner sa malaking hotel sa Manila. Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin na isang malaking karangalan sa ating bansa na dito gawin ang SEA Games, at kailangan na maipakita natin sa lahat na tayo ay marunong tumanggap ng bisita.

“Sa larangan ng sports, si Mayor Al ay walang katulad. Bilang mayor ng Dagupan City, hindi malilimutan ng mga national athletes ang napakagandang National Open ng ginawa sa kanyang lungsod. Si Mayor Al ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan ng PATAFA at sa mga atleta, and it is one of the most successful Opens we’ve had,” dagdag pa ni Go.

Kasabay ng kanyang pakikiramay sa mga naulila at sa mga nagmamahal na Dagupeno kay Mayor Al, ani Go: “Mula sa PATAFA at sa akin na itinuring ka na isang mabuting kaibigan, mapayapang paglalakbay Mayor Al. At maraming salamat.”