CONGRATULATIONS sa nakaisip na ibahin ang poster ng The Hows Of Us movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa international screening ng Star Cinema movie. May international poster ang movie na iba sa poster na ginagamit sa promotion sa showing ng movie dito sa August 29.

Poster

Language ng Brunei, Middle East at Papua New Guinea ang ginamit sa poster ng movie, na showing sa mga nabanggit na bansa sa September 6.

Language rin ng Malaysia, Saipan, Thailand, US at Canada ang nakasulat sa poster ng movie na sabay-sabay ang showing sa September 7.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

English ang title ng movie sa poster sa promo ng screening nito sa London sa September 8. In Spanish ang title ng movie sa poster ng The Hows Of Us na showing sa September 9, habang English din ang title ng movie sa poster na gamit sa screening ng movie sa Australia at New Zealand sa September 13.

Favorite namin ang international poster for London, Middle East at Taiwan. May kanya-kanya ring choices ang KathNiel fans sa different posters na ni-release ng Star Cinema. Sa presscon, malalaman kung bakit ganun ang strategy ng marketing team ng The Hows Of Us, na mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

-NITZ MIRALLES