Sa rehas ang bagsak ng isang casino agent matapos umanong manuntok ng katrabaho sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Nasa kustodiya ng Pasay City Police ang suspek na si Xiang Wentao, 28, Chinese, pansamantalang nanunuluyan sa Shell Residences Tower 8, CBP1, Barangay 76, Pasay City.

Inireklamo siya ni Dai Feng, 34, Chinese, na naninirahan sa Sea Residence, CBP1 sa naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, naganap ang panununtok sa pinagtatrabahuhan ng biktima at suspek sa Escape Building, Macapagal Boulevard sa Pasay City, dakong 9:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa reklamo ni Feng, kinumpronta niya si Wentao dahil sa pagbura o pagtanggal ng company files sa computer dahilan upang magalit ang suspek at nagkainitan.

Sa gitna ng pagtatalo, bigla umanong sinuntok ni Wentao ang mukha ni Feng.

Agad na humingi ng tulong si Feng sa guwardiya ng gusali at ipinaaresto si Wentao.

-Bella Gamotea