Hinihintay pa ng Malacañang ang official confirmation na talagang ibabalik ng United States ang makasaysayang mga kampanya na kinuha mula sa isang simbahan sa Samar mahigit isang siglo na ang nakalipas.

Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na narinig lamang ng Palasyo ang napipintong pagsasauli sa Balangiga bells at naghihintay pa rin ng opisyal na pahayag mula sa mga kinauukulang awtoridad.

“We’re happy to hear that there is this development although we will await final word from relevant authorities both Philippines and US,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo. “We heard reports. We hope they’re true.”

Sinabi ni Roque na wala pang natatanggap ang Palasyo na anumang kumpirmasyon maging sa Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa usapin.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Iniulat na ipinabatid ng US Department of Defense sa Kongreso ang planong pagbabalik sa Balangiga bells sa Pilipinas. Ang hakbang ay kasunod ng paulit-ulit na kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ng Washington ang mga kampana na kinuha bilang war booty sa digmaan ng Pilipinas at Amerika noong 1900s. - Genalyn D. Kabiling