BUKAS na at tumatanggap ng pagpapatala ng paglahok para sa PTT Run Clean Energy Year 2 ang Chris Sports outlets sa SM Mall of Asia, SM Manila at SM North EDSA.

Lalarga ang ang PTT Run for Clean, isang programa na naglalayong palawigin ang kamulatan ng sambayanan sa kahalagahan ng malinis na kapaligiran, sa Steyembre 16 sa Cultural Center of the Philippines Grounds.

Maaari pa ring magpatala sa venue sa mismong araw ng pagtakbo. Sa mga interesadong lamahok, makipag-ugnayan sa mobile no. 09186002411 at landline 9759584 .

Nakataya ang race categories na 10k (P520), 5k (P420) and 3k (P320), kung saan kaakibat ang race shirt, race bib at giveaways. May naghihintay na premyo at medalya sa mangungunang tatlong runners sa bawat kategorya.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Lahat ng kalahok ay bibigyan ng raffle tikets para sa raffle draw kung saan nagihintay ang mga premyong smartphones at gadgets.

Itinataguyod ang patakbo ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Business Mirror and Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administration, Mariano Marcos High School Batch ‘91 at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Pangunahing adbokasiya ng patakbo ang kahalagahan ng pagkakaisa para masawata ang anumang uri ng polusyon na unti-unti sumisira sa kalikasan.

Ang sponsoring PTT Philippines ay isang subsidiary companies ng Thailand’s PTT Public Company Limited nas kilala sa mga programa na nakatutok sa paglaban sa anumang utri ng polusyon. Ang mga produkto ng PTT Philippines ay batay sa international quality at tumatalima sa mga batas ng Philippine National Standards specifications para sa Philippine Clean Air Act.