NAG-REACT na si Dingdong Dantes sa ipinadalang link ng supporters nila ni Marian Rivera.

dingdong at marian

“Please send me this clip” at “Thank you for pointing this out. I will take it from here” ang naging komento ni Dingdong sa umano’y paggamit ng production team ng FPJ’s Ang Probinsyano sa picture nila ni Marian noong binyag ni Zia.

Napanood ng supporters nina Dingdong at Marian ang eksena, kung saan picture raw ng mag-asawa sa binyag ni Zia ang ginamit na props sa eksena nina Joko Diaz at Mickey Ferriols. Ang mukha lang daw nina Dingdong at Marian ang pinalitan ng mukha nina Joko at Mickey, pero ang mukha ni Zia ay hindi pinalitan, kaya agad nakilala ng DongYan fans.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sabi pa ng the DongYanatics na nag-post ng picture, dalawang beses na raw nangyari ‘yun. Ang una ay ginamit umano ang wedding photo nina Dingdong at Marian, at pinalitan lang ang mukha.

Sobra ang talas ng mga mata ng fans nina Dingdong at Marian at pati ‘yun ay napansin nila. Ibig sabihin din, nanonood sila ng Ang Probinsyano.

By now, naiparating na siguro ni Dingdong sa kinauukulan ang kanyang concern tungkol dito, kaya hintayin na lang natin ang update.

Walang kasalanan si Coco Martin sa isyu, sakaling mapatunayang tama ang DongYanatics sa kanilang reklamo. Pero maganda na rin na lumabas ang isyung ito para maging careful na next time.

Samantala, nag-storycon na sina Dingdong at Dennis Trillo para sa pagsasamahan nilang teleserye na Cain at Abel, kung saan gaganap silang magkapatid. Sina Mark Reyes at Don Michael Perez ang direktor ng bagong teleserye ng GMA-7, na sisimulan na ang taping bago magtapos ang Agosto.

Sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez ang leading ladies ng Cain at Abel at mukhang si Solenn ang kapareha ni Dingdong at si Sanya ang leading lady ni Dennis.

-NITZ MIRALLES