KARANASAN sa pakikipagbakbakan ang puhunan ni Filipino Raymond Tabugon sa kanyang pagkasa sa walang talong si super flyweight Max Ornelas sa Agosto 10 sa paboksing ni dating world champion Roy Jones Jr. sa Red Rock Hotel and Casino, Las Vegas, Nevada sa United States.

“Headlining the beIN Sports-televised card will be unbeaten bantamweight Max ‘Baby Faced Assassin’ Ornelas against (Filipino) Raymond Tabugon,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Beterano ng maraming mabibigat na laban si Tabugon na napabagsak ang mga tulad nina dating Mexican WBC bantamweight champion Luis Nery at world rated Aussie Andrew Moloney bago natalo sa mga sagupaan sa Mexico at Australia.

May kartada si Tabugon na 20-8-1 na may 10 pagwawagi sa knockouts na unang pumasok sa world rankings nang pabagsakin sa 2nd round para talunin sa 12-round unanimous decision si Luzuko Siyo sa sagupaan sa East London, Eastern Cape sa South Africa noong 2014 para sa IBO Inter-continental super flyweight title.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

May perpektong rekord na 11-0-1 na may 4 na panalo sa knockouts si Ornelas na nakalistang No. 15 kay WBA super flyweight champion Khalid Yafai ng United Kingdom.

-Gilbert Espena