NASULAT namin dito sa Balita na ni-like ni Coco Martin ang litratong ipinost ni John Estrada sa Instagram habang suot ang costume bilang Loki sa Victor Magtanggol. Hindi man nag-comment, ikinatuwa at ipinagpasalamat ng Kapuso fans at ng fans nina Alden Richards at John ang ginawa ni Coco.

Coco copy

Bumawi si Alden. Siya naman ang nag-like ng photo ni Coco sa Ang Probinsyano, na dahil sa tagal nang airing ang show ay tumanda na si Coco. May nakasulat pang “Ang huling dalawang linggo! 08.25.2048” sa photo.

Hindi rin nag-comment si Alden, naglagay lang siya ng three laughing emojis.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Magandang basahin ang comments. Mas maraming positive feedback ang netizens, at halos pare-pareho ang comments na diehard fans lang ng ABS-CBN at GMA-7 ang nag-aaway, dahil okay naman sina Coco at Alden. Hindi man magkaibigan at personal na magkakilala ay magbabatian naman siguro sila sakaling magkita.

-Nitz Miralles