Lima pang kargamento ng shabu ang patuloy na hinahanap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay matapos masamsam ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC) ang kargamento ng shabu, na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon, sa Manila International Container Port (MICP) North Harbor sa Maynila, kamakalawa.

Sa isang pahayag na inilabas bago mag-Martes ng hatinggabi, sinabi ng PDEA na ang ilegal na droga, na may bigat na 500 kilo, ay itinago sa magnetic lifters.

Ayon kay PDEA Director- General Aaron Aquino, ang nasamsam na kontrabando ay mula sa Malaysia at ipinadala sa Pilipinas.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Hinala ni Aquino, ginamit ang Malaysia bilang transshipment point.

Aniya, kasalukuyan silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung saang bansa galing ang naturang droga.

Nitong Hulyo 16, isang informant ang nag-tip sa PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR), sa ilalim ng pamumuno ni Director Ismael Fajardo, Jr., at sa PNP Civil Security Group hinggil sa kargamento ng ilegal na droga mula sa Malaysia na nakatakdang ii-smuggle sa Pilipinas.

“Reports revealed that the shipment was consigned to Vecaba Trading under the name of Vedasto Cabral Baraquel of Barangay Lalud, Calapan Mindoro City. Their identities are currently the subject of investigation,” ani Aquino.

Dahil dito, ipinag-utos ni Aquino sa PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service (ICFAS) na makipag-ugnayan sa Malaysia at China upang matulungan sa pag-aresto sa mga smuggler ng droga.

-FER TABOY, CHITO CHAVEZ, at MINA NAVARRO