KABILANG na ang sport na handball sa pagtutunggaliang sports sa pagsambulat na 2018 Milo Little Olympics National Capital/Soth Luzon leg mula Agosto 24 hanggang 26.

Pinulong kamakailan ni event organizer Robert Milton Calo ang mga coach at trainers ng naturang Olympic sport upang talakayin ang paghahada, teknikalidad, playdates at venues, gayundin ang regulasyon para sa pagtutunggalian lang sa girls division sa elementarya at sekundarya.

“It’s about time for handball’s recognition in the 2018 Milo Little Olympics.Thjere are lots of young talented student athletes who can easily learn the sport that Filipinos can excel.” Pahayag ni Calo.

Bukod sa handball, ang iba pang disciplines na pagtutunggalian sa Little Olympics ay arnis,badminton,basketball,chess,football,futsal, gymnastics, karatedo,scrabble,sepak takraw, swimming,table tennis, taewondo,tennis at volleyball.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Magdedepensa ng kanilang titulo ang Concepcion Elementary School sa Marikina [elementery] at San Beda[secondary].

Buong galak namang tinanggap ni Milo Sports Executive Lester Castillo ang karagdagang event sa taunang yugto ng Little Olympics .

“Milo Little Olympics is getting bigger in term of expansion ang participation this year.This annual youth competition aims to emphisize Milo’s unwavering support commitment to the country in developing not only athleticism but also menthal discipline among student athletes who will be next generation of sports heroes,” sambit ni Castillo.

Patuloy ang registration ng mga koponang sasali kung saan ang deadline ay hanggang Agosto 13 sa Marikina Sports Center.

Inaasahan ang pagdating ng mga opisyal ng Department of Education, Marikina LGU’s at executives ng Nestle Philippines sa opening ceremony sa Agosto 24.

Para sa dagdag na detalye, makipag-ugnayan kina Prof. Calo 09989580898, Alma Jocson 09175224288 ,Chato Valenzuela 09951989642 ,Mario Garovillo 09474079568 at Mencxhie Salazar 09997976637.