Mariing kinondena ng transport network company (TNC) na Grab Philippines ang pagpatay sa isa sa mga driver nito na si Ananias Antigua, 54-anyos.

Base sa report, patay na at tadtad ng bala ang bangkay ni Antigua nang matagpuan sa Barangay Don Galo, sa Parañaque City noong gabi ng Hulyo 31.

Sa isang pahayag, sinabi ni Grab Philippines country Brian Cu na lubos ikinalulungkot ng kumpanya ang kinahinatnan ni Antigua.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang Grab Philippines sa awtoridad, upang matunton ang responsable sa pagpatay sa biktima.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Kaugnay nito, pinalakas ng kumpanya ang safety measures nito gaya ng pagkakabit ng emergency o SOS button sa app.

Nagpapatupad na rin ang Grab Philippines ng mas mahigpit na account verification process para sa mga pasahero.

Isinailalim din ang mahigit limang libong Grab drivers sa training ng Philippine National Police habang partner na ng TNC ang Red Cross, MMDA at High Patrol Group para sa road safety.

-Beth Camia