Nasa pangangalaga ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang 24- anyos na overseas Filipino worker (OFW) na nasagip mula sa umano’y pagmamalupit ng kanyang amo sa Dammam, Saudi Arabia.

Ang OFW ay kinilalang si Gealyn Tumalip, 24, na dalawang buwan pa lang nagtatrabaho sa Dammam nang banlian umano ng kanyang employer ng kumukulong tubig.

Sinasabing l nagalit ang employer ni Tumalip nang malaman ang pagtawag at pagsusumbong niya sa kanyang recruitment agency, at sa matinding galit nito ay binuhusan siya nito ng kumukulong tubig.

Bukod dito, malimit din umanong makatanggap ng pang-aabusong pisikal si Tumalip tuwing nagagalit ang kanyang amo.

Metro

12-anyos na dalagitang nanghihingi ng tulong, ninakawan at sinaksak ng screwdriver

Pinag-aaralan na ng OWWA ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa employer ni Tumalip.

-Bella Gamotea