MATAPOS ang maikling bakasyon, muling sisimulan ang bakbakan para sa nalalapit na national finals ng Philippine Sports Commission (PSC) Pacquiao Amateur Boxing Cup sa susunod na buwan, Setyembre 7 hanggang 10 na gaganapin sa Mandaue City.

Kabuuang 137 boxers ang inaasahang lumahok sa nasabing torneo na bahagi ng grassroot program ng PSC.

Unang naitakda sa tatlong magkakahiwalay na venues ang nasabing kompetisyon kung saan dapat sana ay sa Mandaluyong City ang preliminary round, ang quarter finals naman ay sa Negros Occidental, at semifinals naman ay sa Tagum City at sa Sarangani ang National finals.

Ngunit dahil gahol sa oras at kailangan magbigay daan din sa nalalapit na National Finals ng Batang Pinoy, pinili na lamang ng mga punong abala na sa iisang venue na lamang isagawa lahat ng kompetisyon.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Since we will be having boxers from Luzon and Mindanao, we chose to do it in the Visayas region, particularly Mandaue City, to play host for the national championships,” pahayag ni supervising technical director Roger Fortaleza.

“We have merged the prelims, quarters, semis and finals in a four-day long of boxing, since we also have boxers that will compete in the upcoming Batang Pinoy national finals,” ayon kay Fortaleza.

Kumpiyansa si Fortaleza na isang maaksyong bakbakan ang matutunghayan sa nasabing labanan kung saan aniya makakakuha ng mga bagong boksingero na maaring maging isang Manny Pacquiao.

“The amateurs will be tested in this national championship… we will eventually see the rise of new boxers that will represent our country,” ani Fortaleza.

Limang weight categories ang paglalabanan ng mga boksingero sa Youth Boys division at apat naman sa Youth Girls division.

Naganap noong Hunyo 2 ang Luzon Finals sa Baguio City.

-Annie Abad