CAGAYAN DE ORO CITY – Bukod sa nagdudulot ng nakamamatay na Leptospirosis, pinaghihinalaan din na mga daga ang gabi-gabing umaatake sa mga sasabungin ng mga residente sa Cagayan de Oro City sa nakalipas na mga araw.

Subalit para sa ilang residente, misteryoso ang mga nilalang na nagsasagawa ng pag-atake, na sa isang farm sa Barangay Kauswagan ay pumatay noong nakaraang linggo ng 33 sasabungin na nagkakahalaga ng P150,000. Nitong Martes ng gabi, 10 pang sasabungin ang pinatay at winakwak ang dibdib ng mga daga na hinihinalang kasing laki ng pusa.

Isang dating bise alkalde ng Bukidnon na tumangging pangalanan at isa sa dalawang may ari ng farm ng mga sasabungin sa Kauswagan ang nagsabing hindi niya mawari kung anong hayop ang bakas ng paa ng hayop na umatake sa kanyang mga alaga.

Gayunman, naniniwala si Dr. Perla Asis, batay sa pagsusuri niya sa bangkay ng mga pinatay na manok, na malalaking daga ang umatake sa mga ito.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Mungkahi ni Dr. Asis na ilagay ang mga manok sa lugar na hindi madaling maaatake ng mga daga ang mga ito, at ugaliin ang paglalagay ng mga lason sa daga sa paligid ng mga kulungan ng sasabungin.

-Camcer Ordoñez Imam