Isa sa dalawang binabantayang low pressure area (LPA) sa bansa ang ganap na naging bagyo at tinawag na “Karding.”

Bagamat hindi inaasahang tatama sa lupa, palalakasin ng Karding ang nararanasang southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Namataan ang bagyo sa layong 1,220 kilometro sa silangan bahagi ng Calayan, Cagayan at may taglay na hangin na umaabot sa 55 km kada oras at pagbugso na 65 kph, nitong Martes ng hapon.

Samantala, pinapalakas din ng bagyong “Shanshan”, na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ang habagat at hindi ito inaasahang papasok ng bansa.

Metro

Isang tsuper at mag-ina, patay sa karambola ng anim na sasakyan

Binabantayan naman ng PAGASA ang isa pang LPA sa kanluran ng Luzon na maaari ring maging bagyo.

Tinatayang nasa 420 km ito ng kanlurang bahagi ng Subic, Zambales at tatawaging “Luis” sakaling maging ganap na bagyo.

-Ellalyn De Vera-Ruiz at Jun Fabon