Arestado ang isang menor de edad na umano’y suspek sa pagpatay sa isang barangay tanod sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

S a s a m p a h a n n g mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang suspek, 17, ng Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Senior Insp. Ness Vargas, commander ng Tayuman Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 7, inaresto ang suspek nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensiya ng isang armado sa Kagandahan Street, Tondo, bandang 5:48 ng hapon.

Nakuha sa suspek ang 17 pakete ng hinihinalang shabu, na may bigat na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P40,000; gayundin ng isang kalibre .45 pistol na kargado ng apat na bala.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Natuklasan din na may nakabimbing kasong murder ang suspek kaugnay ng pagpatay sa barangay tanod na si Jose Ramil Ceorres noong Hunyo 28.

Sinasabing nasa drug watchlist din ang suspek at dating hitman at runner ng isang kilalang drug pusher sa kanilang lugar.

-Mary Ann Santiago