KAHIT na-traffic kami papuntang Cultural Center of the Philippines (CPP) to attend the gala premiere of the movie Distance, sulit naman dahil isang must see movie ito sa Cinemalaya Film Festival, na nagsimula noong August 3 at magtatapos na sa Sunday, August 12, sa pamamagitan ng awarding ceremony.

Iza

Isang family drama ang Distance, na pinagbibidahan ni Iza Calzado as Liza, isang ina na iniwan ang kanyang asawa at dalawang anak na babae para sumama sa kanyang lesbian lover na may sakit. Si Jen (Max Eigenmann) ang tunay niyang minamahal. Muli, may kissing scene si Iza sa kapwa niyang babae, gaya ng ginawa nila noon ni Eugene Domingo sa Barber’s Tale, at sa isang eksena niya sa Bliss.

Tahimik ang movie, pero ang huhusay ng mga gumanap na characters, kaya intinding-intindi mo ang pinagdaraanan ng bawat isa sa kanila. Quiet acting din si Iza.

Events

It's Showtime nagbigay-pugay kina Pilita Corrales at Nora Aunor

Natanong pa nga namin si Direk Perci Intalan kung bakit gray ang color ng movie. Iyon daw ang pelikula, tahimik, malamig.

Mabait na husband si Anton (Nonie Buencamino), na pinuntahan pa si Liza sa UK makaraang mamatay si Jen, at ibinalik ang asawa sa piling ng kanilang mga anak.

Pero hindi naging comfortable si Liza sa piling ng mga anak nila, lalo na nang sumbatan siya ng panganay niya, played by Therese Malvar. Doon lang may konting taasan ng boses, when Therese confronts her mom, kung bakit sila iniwan at bumalik nang hindi man lang nagso-sorry sa ginawa niya.

Sa movie ay may kissing scene din si Therese sa kaklase niyang babae, si Adriana So. Kaya like mother like daughter silang dalawa.

Gusto muling umalis ni Liza pero hindi siya pinayagan ni Anton. Alam ni Anton ang pinagdaraanan ni Liza dahil sa pagmatay ni Jen, at dapat daw ay makasama niya ang mga tunay na nagmamahal sa kanya, ang kanyang pamilya.

Sa huli, pinili ni Liza na mag-stay na sa kanyang pamilya, dahil hindi rin niya magawang talikuran ang sobrang pagmamahal at pag-unawa na ibinibigay sa kanya ng asawa. She hoped na magiging maayos din ang lahat sa kanila ng kanyang mga anak at sa huli, mapantayan din niya ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng asawa.

Ang Distance ay produced nina Jun Lana at Ferdinand Lapuz from the script of Keavy Eunice Vicente. Wish namin na patuloy na maipalabas ang Distance sa mga sinehan pagkatapos ng Cinemalaya Film Festival.

-Nora V. Calderon