VIRAC, Catanduanes – Anim sa sampung miyembro umano ng Budol-Budol Gang ang inaresto sa San Andres port nitong nakaraang linggo, na sinasabing nambiktima ng ilang negosyante sa loob ng isang araw. Ang mga biktima ay mula sa iba’t ibang barangay sa Catanduanes.

ANG MGA BIKTIMA AT ANG BUDOL-BUDOL SCHEME

Nagtungo ang isang retiradong guro na si Fe Gianan, 65, ng Barangay Calatagan, sa Virac Municipal Police station upang i-report ang umano’y scam gamit ang mga frozen products, nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Gianan, tatlong babae ang nagtungo sa kanyang tindahan at inalok siya ng mga paninida gaya ng meatballs, hotdog, ham at embutido at pinangakuan ng isang malaking freezer.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pasado 1:00 ng hapon, bumalik ang tatlo para sa mga libreng paninda at nagbayad si Gianan ng P8,275. Nangako ang mga babae na babalik sa ganap na 4:00 ng hapon para sa karagdagang impormasyon at ipadala ang mga paninda kinabukasan.

Nagpasaklolo si Gianan sa Virac police nang hindi bumalik ang mga babae at hindi matawagan ang ibinigay ng contact number.

Ganito rin ang naging sumbong ng ilan pang naging biktima ng mga suspek na sina Armie Villanueva, ng Bgy. Cavinitas, na tinangayan ng P7,495; at Mary Jane Somido, na nawalan ng P17,245.

ANG MGA SUSPEK

Ayon kay Virac PNP deputy chief Police Senior Insp. Danilo Tenerife, kinilala ang mga suspek na sina Steve Tan, Dave dela Cruz, Elmer Aggabao, Ritchie Sebastian, Marilou Soriano at Evangeline Padilla na pawang taga- Metro Manila, gamit ang putting van na may sticker ng Philippine National Police at kargado ng frozen meat products.

Sinabi rin ni Aggabao na may sakay din itong dalawang pakete ng hinihinalang shabu habang ang nakumpiska kay Tan ay identification (ID) cards na nagpapakitang inisyu ng PNP.

ANG PAG-ARESTO

Huwebes ng madaling araw, nagtungo si Villanueva sa San Andres port sa pagbabakasakaling makita niya ang lalaki na kumuha ng kanyang pera. Dumiretso siya sa ferry at masuwerteng nakita si Dela Cruz na nahihimbing, habang ang iba pang suspek ay nakaupo sa tabi nito. Tumawag ng pulis si Villanueva at inimbitahan ang mga suspek sa pulisya.

Kinasuhan ang mga suspek ng large scale estafa

-Jinky Tabor