MAHAL si Direk Adolfo Borinaga Alix Jr. ng mga artista niya, at labis ang tiwala nila sa kanya.
Sa paggawa ni Direk Adolf ng kanyang 30th feature film na Madilim Ang Gabi (Dark Is The Night), nag-experiment siya na hindi gumamit ng script. Wala namang problema sa mga artista niya kung wala silang script na binabasa, at tanging si Direk Adolf lamang ang nakakaalam ng story at sinasabi lang nito sa kanila ang situation ng eksena at ang kanilang mga lines. Ganoon ang trust nila sa kanilang direktor.
Tampok sa pelikula sina Phillip Salvador, Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Mikoy Morales, Felix Roco, at may 25 special guest artists.
Post ni Direk Adolf sa Facebook: “In the company of friends – again my heartfelt thanks to all the actors who were part of my 30th feature ‘Madilim Ang Gabi (Dark is the Night)’. Your trust is truly humbling and I’m happy that it will finally be screening this August 15-21 as part of the Pista ng Pelikulang Pilipino.
“While filming, it felt more like a reunion and celebration with the actors I’ve worked with in my past films. Being a big fan of the triumvirate of Gina Alajar, Phillip Salvador and Bembol Roco in (Lino) Brocka’s ‘Orapronobis’, I am honored to be finally working with them together in a feature film with some of the finest actors of Philippine Cinema from different generations.”
Ang Madilim ang Gabi tackles the government’s current war on drugs na involved ang mag-asawang Sara at Lando na gusto nang makawala sa drug trade, pero masusubukan ang tatag nila nang mawala ang kanilang kaisa-isang anak na si Allan (Felix). Iniwan na sila ng kanilang mga drug cohorts, kayanin kaya nila iyon kahit mangangahulugan iyon ng kamatayan nila?
Ilan sa 25 special guest artists sa pelikula sina Alessandra de Rossi, Jason Abalos, Anita Linda, Perla Bautista, Rosanna Roces, Zanjoe Marudo, Alan Paule, Sid Lucero, Iza Calzado, Cherry Pie Picache, at Cherie Gil.
Nagkaroon na ng screenings ang movie sa Toronto International Film Festival, Tokyo Filmex, Fribourg International Film Festival, at Warsaw Asian Film Festival.
Ang movie ay written and directed ni Direk Adolf, produced by Sound Investment, Inc., Ukon Films, Oro de Siete Productions, at Swift Distribution and will be released by Solar Pictures in cinemas nationwide.
-NORA V. CALDERON