May 30, 2026

Home BALITA National

Severe Tropical Storm 'Domeng,' mas lumakas bilang 'typhoon'

Severe Tropical Storm 'Domeng,' mas lumakas bilang 'typhoon'
Courtesy: PAGASA

#BalitangPanahon: Ganap nang isang "typhoon" ang severetropical storm #DomengPH, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Mayo 30.

Sa ilalim ng "typhoon" category, asahan ang 118-184 kilometers per hour na maximum wind speed o lakas ng hangin.

As of 2:00 PM, huling namataan ang bagyo sa layong 835 kilometers per hour East of Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin ng aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugsong 150 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Bagama't hindi inaasahan ang pag-landfall ng bagyo, magdadala ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, partikular sa Luzon at Visayas, dahil sa trough o extension ng bagyong Domeng. 

National

Mga Pinoy, 'mas satisfied' kay VP Sara kaysa kay PBBM

Samantala, opisyal na ring inanunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng southwest monsoon o hanging habagat. Dahil dito, inaasahan na ang mga panaka-nakang pagkidlat at pag-ulan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, partikular sa western sections nito.

Maki-Balita: Habagat season, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA!