Umaasa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na mareresolba ng National ID System ang kawalan ng birth certificate ng nasa 7.5 milyong Pinoy.

Aniya, ito ang dapat na agarang matugunan sa gitna ng paglalaan ng P25-bilyon pondo na gagastusin sa loob ng limang taon.

“What I’m saying is that we should use the national ID platform as an opportunity to solve the quandary of those who do not have birth documents. Kung gagastos na rin tayo nang ganito kalaki, baka puwede na hagipin ‘yung problema ng mga kababayan nating walang birth certificate,” sabi ni Recto.

Nilinaw din ni Recto na maaari ring magkaroon ng ID ang isang tao kahit walang birth certificate sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alternatibong dokumento na magkukumpirma sa kanyang pagkakakilanlan.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ngayong taon, naglaan na ng P2 bilyon sa paghahanda sa mga ID, na pangangasiwaan naman ng Philippine Statistical Authority (PSA), katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Tinatayang aabot sa 20-25 milyong Pinoy ang magpaparehistro bawat taon, o 60,000 kada araw.

-Leonel M. Abasola