SA grand presscon ng Halik, ang newest primetime series of ABS-CBN headed by Jericho Rosales, Yam Concepcion, Sam Milby at Yen Santos, na nag-pilot airing na last July 30, ay natanong nang one-on-one ni Yours Truly si Yam kung nakaranas na ba siya ng halik ng isang tomboy.

Yam

“Hindi pa po. Although may mga kaibigan akong belong sa kanila. Pero never po akong nakipaghalikan or makikipaghalikan sa kahit kanino sa kanila.

“Straight po ako, eh. I am a straight person. Kaya malabo akong makipaghalikan sa kanila,” ang straight to the point na sagot niya kay Yours Truly.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero mukha ngang malabong makipaghalikan sa T-bird itong si Yam, dahil balitang kuntento na raw ito sa kanyang non-showbiz na boyfriend named Miguel Cu Unjieng, na balitang belong sa yayamaning angkan ng Fil-Chinese community at based dito sa ating bansa.

Well, as the saying goes, kanya-kanyang kapalaran sa pag-ibig, ‘ika nga. Or kanya-kanyang sexual preference ang mga tao ng kanilang mamahalin. Pak, yun na! Wala nang kokontra, noh.

Kabilang sa cast ng seryeng Halik sina Amy Austria, Allan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane de Leon at Gab Lagman.

Sina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga ang mga direktor ng said serye na nasa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Direk Ruel S. Bayani.

-MERCY LEJARDE