BAGO pa nanalong 2017 Reina Hispanoamericana sa Bolivia, South America si Teresita ‘Winwyn’ Marquez, kinuha na siyang contract star ng Regal Films nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Winwyn

Pero ikinagulat ni Wyn nang i-offer sa kanya ang leading lady role sa comedian-host-dancer na si Vhong Navarro sa Unli Life, ang official entry ng Regal sa coming Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa August 15-21, 2018 na idinirek ni Miko Livelo.

“Hindi ko po talaga in-expect, dahil never pa akong naging leading lady sa mga pelikulang ginawa ko,” sabi ni Wyn sa mediacon ng movie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Nakakagulat na fan lang ako ni Vhong at ng Streetboys noong bata pa ako, ngayon leading lady na niya. Salamat po kina Mother Lily at Ms. Roselle.

“Pero hindi po ako nagkamali na hangaan si Vhong dahil nakita ko ngayon sa pagtatrabaho namin sa movie na napakabait niya, maalaga, he treats everyone equally, mula sa mga co-stars niya hanggang sa production crew at kahit sa mga extra sa movie.”

Isa pa ring dahilan kaya masaya si Wyn sa paggawa ng Unli Life ay dahil for the first time, nakasama niya ang Daddy niya, si Joey Marquez.

“Wala nga po lamang kaming scene na magkasama ni Daddy, dahil sa story, nakipag-break ako kay Vhong. Dahil broken hearted, nagpunta siya sa bar para maglasing. Doon niya na-meet ang Dad ko who plays a mysterious bartender na pinainom siya ng drink na wish-key na puwedeng magbalik sa kanya sa nakaraan, parang time machine.

“Tuwing magta-travel si Vhong kasama niya ako. May time nina Adam and Eve, cave man at cave woman kami, kasama rin kami nang dumating sa Pilipinas si Magellan, then sa panahon ng Katipunan, Japanese time, noong era ng Bodabil hanggang sa present time. Iba-iba ang costumes namin at make-up sa bawat panahon na napuntahan namin.”

Wish ni Wyn na makapag-perform siya ng dance number with Vhong pero malabo itong mangyari dahil magkaiba sila ng network. Sana raw kung may mall show, matupad ang wish niya.

Huling tanong kay Wyn, balak ba niyang sumali muli sa Binibining Pilipinas? May chance pa siya dahil she’s only 26 years old.

“Hindi na po, masaya na ako sa napanalunan kong international title. Sa last week of October, babalik ako ng Bolivia to transfer my crown sa mananalo sa November. I will stay there for three weeks.”

Sasama raw sa kanya ang boyfriend na si Mark Herras?

“Hindi po, may trabaho siya rito. Ako rin pagbalik ko ay itutuloy ko ang taping ng bago kong teleserye, ang Pamilya Roces under Joel Lamangan. Then may isa pa akong movie na gagawin, kaya lamang hindi ko pa puwedeng sabihin ang details nito,” sabi pa ni Winwyn.

-NORA CALDERON