NADOMINA ng TELUS International Philippines (TIP) ang women’s badminton doubles team competition kamakailan sa 2018 BPO Olympics.

HINDI binigo ng TELUS women’s badminton team ang mga tagasuporta.

HINDI binigo ng TELUS women’s badminton team ang mga tagasuporta.

Ginapi ng TIP shuttlers sa makapigil-hiningang three-set match ang mahigpit na karibal na Cognizant. Matapos magtabla sa unang dalawang set, tuluyang tumaas ang adrenaline ng TIP players at matikas na nakihamok para makamit ang deciding set sa harap nang nagbubunying tagasuporta.

Tinapos ni Ma. Camille Mascariña at Jill Castillo ang laban sa kabuhok na 15-14 decision.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Bunsod ng panalo, nadugtungan ang pamamayagpag ng TIP na nagwagi rin sa men’s table tennis individual championship.

Ang BPO Olympics ay taunang sporting event para sa business process outsourcing industry, tanpok ang mga sports na basketball, volleyball, badminton, table tennis, airsoft, billiards, darts, cheerdance, football, at marathon.

Kabuuang 28 kompanya ang nakilahok ngayong edisyon