Sa rehas ang bagsak ng isang lalaki makaraang ireklamo ng kanyang kapitbahay na umano’y ginahasa nito sa Barangay San Jose, Mandaluyong City, kamakalawa.

Sasampahan ng kasong rape ang suspek na si Froilan Boncayao, 27, ng Viner Compound, Bgy. San Jose. Siya ay inireklamo ng kanyang kapitbahay 20-anyos.

Ayon sa biktima, naganap ang pang-aabuso sa loob ng palikuran sa compound na kanilang tinitirahan, bandang 1:40 ng hapon.

Gumamit umano ang biktima ng palikuran at paglabas niya ay nag-aabang na ang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinulak umano ni Boncayao ang biktima pabalik sa palikuran, tinakpan ang bibig saka hinalay.

Agad nagsumbong ang biktima sa mga miyembro ng Bantay Bayan sa lugar at naaresto ang suspek.

-Mary Ann Santiago