Kinilalang World’s Most Cloned Dog ng Guinness Book of Records ang anim na taong Chihuahua mula Puerto Rico na si Miracle Milly, matapos gumawa ang mga siyentista mula South Korea ng 49 na genetically-identical copies ng aso.

most-cloned-dog

Taong 2006 pa lumilikha ng pet clones ang kontrobersiyal na Sooam Biotech Research Foundation in Seoul, South Korea at noong nakaraang taon humingi ng pahintulot ang Sooam kay Vanesa Semler, may alaga ng aso, para sa posibilidad na paggawa ng clone nito upang subukang lutasin ang umano’y “genetic mystery” ng aso. Si Mily ang may hawak ng Guiness record para sa World’s Smallest Living Dog simula noong 2012.

Kaya noong Agosto 2017, sinimulan ng Sooam ang paglikha ng mga clone ni Mily hanggang sa umabot na sa 49 ang bilang.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“The original idea was to make ten clones in total, nine for research and one for us, but they decided to clone her more times,” pahayag ni Vanessa Semler. “She was chosen for being the smallest dog in the world. They want to find out why she was so small and then study her genes to find out what makes her so tiny.”