ANG buong akala namin ay tinalikuran na ni Jojo Alejar ang telebisyon, o nagretiro na siya tulad ng kanyang iniidolong si David Letterman.

Jojo

Nasorpresa na lang kami nang mapanood siya sa Medyo Late Show ni Jojo for a network which we seldom watch. Mayroon din siyang bagong show sa TV5, ang Ronda Patrol Alas Pilipinas sa Umaga.

“For a change, straight news ang format, pero sisingitan ko pa rin ng comic punch line para magising ang televiewers,” sabi ni Jojo tungkol sa kanyang morning program,.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“It is a lifestyle show na tatalakay sa iba’t ibang paksa. As usual may nakahanda akong kaukulang komento,” wika ni Jojo.

Wala sa bokabularyo ng komedyanteng host ang iwanan ang telebisyon, at sinabi niya na habang may nagtitiwala sa kanya ay “count me in”.

Mapapanood ang Ronda Patrol Alas Pilipinas sa Umaga tuwing Friday, 6:00 am hanggang 7:00 am, kasama niya si Lovely Rivero.

-REMY UMEREZ