IPINOST ni Kris Aquino ang feature sa kanya sa Teen Vogue na ikinatuwa ni Bimby. Sa interview kasi ni Curtis S. Chin sa Crazy Rich Asians author na si Kevin Kwan, nabanggit ng awtor na si Kris ay “a highlight of the movie, for me, she’s a highlight.” Ipinagpasalamat ito ni Kris.

Kris copy

May binanggit p a s i Ke v i n n a “everything she does goes viral”, na totoo naman.

Samantala, nagsu-shooting pala ng pelikula rito si Chris Pang, isa sa mga bida sa Crazy Rich Asians, kaya na-interview siya ng Preview magazine at nabanggit niya na sa shooting ni Kris ay mayroon itong kasamang 18 assistants.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Pero sinabi ni Kris na “exag” naman ang tantiya nin Chris, at sinabing walo lang ang kasama niya sa shooting, kabilang ang financial manager niya, at ilang trusted people kasama ang make-up artist, hair stylist, at stylist niya.

T h a t t i m e , dinalaw siya ng mga bossing ng P&G na based in Singapore a t ma y d a l a n g flowers. Kasama rin sa dumalaw sa kanya ng araw na iyon ang bossing ng Unilever at General Mills, na parehong may ineendorso siyang produkto ng nasabing mga kumpanya.

Sa r ed c a rpe t p r emi e r e b u k a s n g C r a z y R i c h Asians, posibleng magkita sina Kris at Chris. Maganda sana kung ipakikilala ni Kevin sina Kris at Chris sa nasabing Hollywood premiere.

-NITZ MIRALLES