LAPU-LAPU CITY- Muli, isang dayuhang triathlete sa katauhan ni Mauricio Mendez ng Mexico ang tinanghal na kampeon sa Regent Aguila Ironman 70.3 Asia-Pacific Championship kahapon sa Shangri- La Mactan Resorts & Spa sa Cebu.

PAPA PIOLO! Kabilang si actor Piolo Pascual sa sandamakmak na celebrities na nakilahok sa Ironman Aspac sa Lapu-Lapu City sa Cebua, habang ibinida ng women’s pro winner (kaliwa) na sina Czech Radka Vodickova (gitna), Caroline Steffen at Melissa Hauschildt (kanan) ang mga medalya. (RIO DELUVIO)

PAPA PIOLO! Kabilang si actor Piolo Pascual sa sandamakmak na celebrities na nakilahok sa Ironman Aspac sa Lapu-Lapu City sa Cebua, habang ibinida ng women’s pro winner (kaliwa) na sina Czech Radka Vodickova (gitna), Caroline Steffen at Melissa Hauschildt (kanan) ang mga medalya.
(RIO DELUVIO)

Naisumite ng 22-anyos na si Mendez ang tyempong tatlong oras, 46 minuto at 45 segundo para gapiin sina Tyler Butterfield ng Bermunda, may 54 segundo ang layo, habang pangatlo si Braden Currie ng New Zealand (3:48:12).

“Super happy at first. I trained and I prepare myself to win but I didn’t know what to expect cause everyone still the same. They are all super strong athletes. I’m just grateful and really happy to take the win,” pahayag ni Mauricio Mendez.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“I love racing here. I much appreciate the way everyone here,” aniya.

Nabigo si Tim Reed sa target na italong AsPac 70.3 title nang kapusin sa podium sa oras na 03:52:51.

Sa women’s pro class, nanguna si Czech Radka Vodickova sa oras na 4:12:13, kasunod sina Caroline Steffen (04:21:46) at Melissa Hauschildt (04:22:50).

“I had a great season this year. I just keep doing well especially in the heat and I love racing in the Philippines,” pahayag ni Vodickova, kampeon din sa Alveo Ironman 70.3 na ginanap sa Davao sa nakalipas na buwan