Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay o kabilang sa mga naapektuhan sa 6.4-magnitude na lindol na tumama sa silangang bahagi ng Lombok sa Indonesia, nitong Hulyo 29.

Sa impormasyong natanggap ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Jakarta, batay sa monitoring ng tanggapan sa kalagayan ng 250 Pilipino sa Lombok at karatig na mga lugar, walang Pinoy na kabilang sa mga namatay at nasugatan.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas, sa mga biktima ng sakuna.

Nauna nang inihayag ni Leehiong Wee, Ambassador to Indonesia, na patuloy ang Indonesian authorities sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng lindol.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Naiulat ng Indonesian National Disaster Mitigation Agency na nasa 14 na katao ang nasawi, kabilang ang isang Malaysian, at mahigit 1,000 bahay ang nasira sa pagtama ng malakas na lindol.

Sa kabila ng mga pinsala, nananatili namang normal ang sitwasyon at gumagana ang mga imprastruktura, habang patuloy din ang operasyon sa mga flight mula sa Lombok International Airport.

-Bella Gamotea